Home METRO Drug den operator, 3 kasamahan timbog sa drug ops

Drug den operator, 3 kasamahan timbog sa drug ops

MABALACAT CITY, Pampanga- Arestado ang isang drug den operator at tatlong kasama matapos salakayin ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA 3) ang itinuturong drug den noong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Oliver Ventura, 43, residente ng Brgy. Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga; Mark Anthony Ventura, 38, residente ng Brgy. Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga; Rovilma Manlapaz at Truadio Vilma, 46 taong gulang, at Rosette Dimarucut, 28, kapwa residente ng Brgy. Mawaque Resettlement, Sapang Biabas, Mabalacat City, Pampanga.

Sa pinagsamang operasyon ng PDEA 3, Aurora at mga tanggapan ng Pampanga Police Provincial, nadakip ang mga suspek bandang alas-8 ng gabi sa isang relocation site ng pamahalaan para sa biktima ng Pinatubo sa naturang lalawigan.

Nakuha sa mga suspek ang higit 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P103,500; drug paraphernalias; at buy-bust money.

Sinabi ng mga awtoridad na target ng operasyon si Oliver matapos makatanggap report na isa itong drug den maintainer at isinailalim sa tatlong linggong surveillance na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Ang mga nadakip na suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico