Home METRO ‘Manananggal’ binayagan ng dalagang ‘kinabayo’, kalaboso!

‘Manananggal’ binayagan ng dalagang ‘kinabayo’, kalaboso!

Bulacan – Arestado ang 25-anyos na lalaking nagtangkang mananggal ng damit at humalay sa 19-anyos na dalagang natutulog sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek sa alyas Val, 25, unemployed, habang ang biktima ay itinago sa pangalang Dana, College student, kapwa residente ng Brgy. Minuyan Proper.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng SJDM police station, nangyari ang insidente bandang alas-3 ng umaga nitong Abril 24 sa naturang lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, natutulog ang biktima nang makaramdam siya na may naghuhubad sa kanyang pang-itaas na damit.

Nang mamulat ay nakita ng biktima ang suspek na nakapaibabaw sa kanya kaya nagawa niyang magpumiglas at pagsisipain ang pagkalalaki nito kaya ito nakatakas.

Agad nagtungo at nagsumbong ang biktima sa kanyang ama na mabilis humingi ng saklolo sa mga awtoridad na rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong attempted rape habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III