
TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN – Matagumpay ang isinagawang drug buy bust operation ng mga pinagsamang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cagayan Provincial Office at Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 2 sa isang drug den dito sa nasabing Lungsod
Ayon kay PLtCol.Richatd Gatan, hepe ng Tuguegarao City Police Station, sinalakay nila ang Lyha Flower Shop, sa Patria Bldg. Rizal St. Tuguegarao City dakong 10:50 kagabi kung saan nahuli nila ang tatlong drug personalities.