Home METRO Drug suspect arestado sa ₱170K shabu sa Pasay

Drug suspect arestado sa ₱170K shabu sa Pasay

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pakikipagtulungan ng Malibay Sub-Station ng Pasay City police ang isang drug suspect na nakuhanan ng ₱170,000 shabu nitong Biyernes ng gabi, Enero 31.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director PBGEN Manuel J. Abrugena ang nadakip na suspek na si alyas Francis, 39.

Base sa report na isinumite kay Abrugena, nadakip ng SDEU at Malibay Sub-Station 6 si alyas Francis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nitong Enero 30, 2025 ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Rowena Nieves A. Tan ng Branch 118.

Sa pag-aresto kay alyas Francis ay nakuhanan ito ng isang medium-size ziplock transparent plastic sachet at limang maliiliit na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng kabuuang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱170,000.

Bukod sa ilegal na droga ay nakumpiska rin sa suspek ang kulay pink at asul na pouch, isang buong ₱500 at dalawang pirasong tig-₱100.

Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa SDEU custodial facility ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Pasay City Prosecutor’s Office.  James I. Catapusan