Home METRO Kelot pinag-dinner ng bala, dedbol!

Kelot pinag-dinner ng bala, dedbol!

ILOCOS NORTE- Hindi na nagawang tapusin ng isang 51-anyos na lalaki ang kanyang hapunan matapos siyang pagbabarilin habang kumakain sa bayan ng Badoc ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay isang karpintero, residente ng Brgy. Napu ng naturang bayan.

Kumakain ng hapunan ang biktima sa harap ng family house ng kanyang live-in partner nang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki na nakasuot umano ng kulay itim na t-shirt.

Matapos na pagbabarilin ang biktima, agad na tumakas ang suspek.

Isinugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac, Ilocos Norte ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang salarin. Rolando S. Gamoso