MANILA, Philippines – Tinutugunan ng DSWD Media Forum ang 2026 budget ng ahensya, at naghahanda sa Tropical Storm Opong.
Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Adonis Sulit ng Policy and Plans Group (PPG) ang DSWD Media Forum ngayong Huwebes (Setyembre 25) sa Central Office sa Quezon City.
Kaugnay nito tinalakay ng PPG undersecretary ang proposed 2026 budget ng DSWD gayundin ang financial accomplishment ng ahensya sa bawat programa at serbisyo nito.
Sinabi ni Asst. Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG) ng DSWD sa Media ang mga hakbang sa kahandaan para sa posibleng epekto ng Tropical Storm (TS) Opong, na binibigyang-diin na ang Departamento ay nananatiling nakatuon sa pagtiyak ng mabilis na paghahatid ng pagkain at iba pang mga relief items sa mga pamilya at komunidad na naapektuhan ng mga bagyo at iba pang anyo ng kalamidad.
Sa Media Forum, na lingguhan ginaganap sa DSWD Central Office’s New Press Center, ay pinangungunahan ni Special Assistant to the Secretary (SAS) for Communications Raymond Burgos at Direktor Dianne Joie Ruiz ng Digital Media Service ang pagtalakay sa mga mahahalagang isyu. (Santi Celario)