Home NATIONWIDE DSWD chief bumisita sa mga biktima ng lindol sa tent city sa...

DSWD chief bumisita sa mga biktima ng lindol sa tent city sa Cebu

341
0

MANILA, Philippines – Binisita ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang mga residenteng naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong Martes, Oktubre 7, upang kamustahin ang kanilang kalagayan.

Itinayo ang tent city noong Oktubre 4 sa Barangay Cogon, na ngayon ay tinutuluyan ng 50 pamilya o 254 indibidwal. Bago ilipat, ipinaliwanag sa mga residente ang mga patakaran sa kampo gaya ng bawal manigarilyo at bawal ang maingay sa gabi.

Ayon kay Vanessa Velasco, isa sa mga evacuee, “Okay ra man ko, komportable ra man sab sa amoa… di pwede maglung-ag sa sulod, di pwede magsaba-saba og gabii.” Dagdag ni Mary Grace Perater, “Mas maayos na kaming nakakpahinga kumpara dati.”

Nagpatayo rin ng tent city sa Medellin, habang ang DPWH ay gumagawa ng site development para sa ikatlong tent city sa San Remigio kung saan 50 tent ang itatayo.

Isa sa mga tumulong magtayo ng mga tent ay si Arnold Vince Senining, estudyante at Red Cross youth volunteer. “Masarap tumulong kahit wala kang maibigay na pera,” aniya.

Matapos ang pagbisita, nakipagpulong si Gatchalian kina Cebu Governor Pamela Baricuatro at mga alkalde ng apektadong bayan. “Ang utos ng Pangulo, hindi namin kayo iiwan hanggang sa makabangon muli ang mga Cebuano,” wika ni Gatchalian.

Pinuri ni Baricuatro ang pagtupad ng pangangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang ang pagtatayo ng tent city, pagsasaayos ng kuryente sa loob ng limang araw, at pamamahagi ng food packs. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here