MANILA, Philippines- Nagpapatupad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigpit na pagsubaybay o monitoring sa grupo na pinagkalooban ng public solicitation permits sa pamamagitan ng bagong inilunsad na digital platform.
Nagpalabas ang DSWD ng public solicitation permits sa mga non-stock at non-profit organizations o social welfare and development agencies (SWDAs) para protektahan ang publiko na mabiktima ng mapanlinlang na solicitation activities.
Ang paliwanag ni Director Megan Therese Manahan ng Standards Bureau (SB) ng DSWD na ang mga grupo ay dapat na mayroong distribution plans para sa nilalayong benepisyaryo.
“After two months, when the permit expires, you would need to submit reportorial requirements to us,” ang sinabi ni Manahan.
Gamit ang newly-launched online portal ng departamento na tinawag na HELPS o Harmonized Electronic License and Permit System, nagbibigay ang DSWD ng one-stop para sa regulatory services para sa SWDAs.
“The tool will facilitate a more efficient approval system for permits, which could be done within three working days for temporary permits and seven for regular permits,” ayon sa ulat.
“The DSWD has also delegated its fieldoffices to monitor the compliance of SWDAs in their public solicitation permitsm,” ang sinabi pa rin ni Manahan.
“Very strong kami in requiring reports kasi if hindi sila nag-comply, hindi ka na pwedeng mag-renew, pwede ka rin ma-blacklist sa amin,” dagdag niya.
“So, it’s very critical for us to see kung saan napupunta ‘yon mga na-solicit na pera,” patuloy niya.
Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1564, o kilala rin bilang Solicitation Permit Law, tangan ng DSWD ang exclusive authority ng regulasyon ng donation solicitations at kontribusyon para sa charitable o public welfare purposes.
Ang mga indibidwal, grupo at organisasyon ay kailangan na makakuha ng solicitation permit mula sa DSWD bago pa mangolekta ng donasyon at boluntaryong kontribusyon.
“This requirement ensures the legitimacy of fundraising efforts and prevents fraudulent activities that could take advantage of donors’ generosity and the needs of beneficiaries,” ayon pa rin sa ulat. Kris Jose