Home NATIONWIDE DOLE: Customer service, manifacturing nangungunang hiring sectors

DOLE: Customer service, manifacturing nangungunang hiring sectors

MANILA, Philippines- Nananatiling matatag ang labor market sa bansa, kasama ang customer service at manufacturing sa mga nangungunang sektor na nagtutulak ng trabaho sa buong bansa, iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa datos mula sa Bureau of Local Employment (BLE), sinabi ng DOLE na ang mga customer service assistant at call center agents ang nagrehistro ng pinakamaraming bakanteng trabaho mula Pebrero 7 hanggang 13, na may 4,961 na openings bawat isa.

Sinundan ng manufacturing sector na may 3,492 na bakante para sa mga production machine operator at 2,707 para sa mga manggagawa sa produksyon, na binibigyang-diin ang mahalagang papel nito sa paglikha ng trabaho.

Nanatiling in-demand din ang domestic work, na may 1,000 openings para sa mga domestic helper, batay sa mga listahan mula sa Public Employment Service Office (PESO) Employment Information System (PEIS) at PhilJobNet, ang job-matching platform ng gobyerno.

Ang patuloy na pangangailangan para sa costumer service workers ay sumasalamin sa patuloy na pagpapalawak ng industriya ng business process outsourcing (BPO), na gumagamit ng humigit-kumulang 1.7 milyong Pilipino at nag-aambag ng humigit-kumulang $32 bilyon taon-taon sa ekonomiya.

Samantala, ang patuloy na hiring sa manufacturing ay itinatampok ang papel nito sa paglago ng ekonomiya, na aabot ng halos 19 porsyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa at pagsuporta sa mga pangunahing industriya tulad ng electronics, automotive, at food processing.

Muling pinagtibay ng DOLE ang kanilang pangako sa pagpapalawak ng mga oportunidad sa trabaho sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at pribadong kOmpanya, pagpapalakas ng mga hakbangin sa pagtutugma ng trabaho sa pamamagitan ng mga job fair at digital platform. Jocelyn Tabangcura-Domenden