Home ENTERTAINMENT Marc, dinala ang GF sa columbarium, ipinakilala sa ‘abong ama’!

Marc, dinala ang GF sa columbarium, ipinakilala sa ‘abong ama’!

Manila, Philippines – Ipinauubaya na lang ni Batangas Vice Governor Marc Leviste sa kanyang ama ang relasyon nito kay Aira Lopez.

Ipinakilala nga ni Marc ang nobya nang dalhin niya ito sa columbarium para bisitahin ang abo ng ama.

Naniniwala si Marc na gagabayan sila ng Leviste patriarch para lalong tumibay at tumatag ang kanyang relasyon kay Aira.

Ayon kay Marc, tiyak daw na kung nabubuhay ang kanyang erpat ay aprub ang tulad ni Aira.

Taglay raw kasi ni Aira ang ganda, seksing pangangatawan at ideal age for a partner.

Incidentally, may joint property na ang couple.

Ipina-bless kasi nila ang kanilang kotse.

Curious tuloy ang mga netizens kung kailan iaanunsyo ni Marc ang kanilang pag-iisang-dibdib.

Wala naman kasing kaduda-duda na seryoso na talaga si Marc sa kanyang girlfriend.

Curious din siyempre ang mga netizens sa itatawag ng mga anak ni Marc kay Aira once they get married.

Matatandaang binalak ni Marc na pakasalan ang dating nobyang si Kris Aquino.

Pagpaplano niya, their altar date was a toss between Kris’ and his birthday.

Kaso nga lang, it didn’t go as planned dahil nakatagpo ng iba si Kris–isang trauma surgeon na hiniwalayan din niya kinalaunan. Ronnie Carrasco III