Home NATIONWIDE DSWD nagbabala vs pekeng cash, rice distribution program

DSWD nagbabala vs pekeng cash, rice distribution program

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules sa publiko laban sa pekeng cash at rice distribution program na kumakalat online.

Sinabi ng ahensya sa Facebook na walang “CARD Program” na namamahagi umano ng P5,000 at 10 kilo ng bigas sa ilalim ng DSWD.

Nakasaad umano sa isang Facebook post na makatatanggap ang mga benepisyaryo sa ilalim ng CARD Program ng nasabing mga benepisyo.

“Pinapaalalahanan ang publiko na mag-ingat at huwag magpalinlang sa mga posts na hindi mula sa opisyal na Facebook page ng DSWD,” wika ng DSWD.

Maaaring magsumbong ang publiko sa DSWD sa 0917-110-5686 / 0917-827-2543/ 0919-911-6200 o sa pamamagitan ng [email protected]. RNT/SA