MANILA, Philippines- Napilitan ang mga magsasaka sa Pavia, Iloilo na itapon na lamang o ipamigay ang tatlong toneladang kamatis sa mga hayop dahil sa oversupply.
Sa ulat nitong Miyerkules, nagdulot ang oversupply sa pagbulusok ng presyo sa pamilihan, dahilan upang maliit ang kitain ng mga magsasaka.
Ayon sa isang magsasaka, sa kabila ng pag-alok ng kamatis sa halagang P4 hanggang P8 kada kilo, matumal pa rin ang benta.
Ilan naman ang nagbenta ng kamatis sa mga gilid ng kalsada upang mabawi ang pagkalugi. RNT/SA