Home NATIONWIDE DA nakikipag-ugnayan sa pork retailers sa pagtalima sa MSRP

DA nakikipag-ugnayan sa pork retailers sa pagtalima sa MSRP

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules na ikinokonsidera nito ang ilang hakbang kabilang ang pag-uutos sa pork retailers na i-display ang product details tulad ng kanilang suppliers, dahil mayorya pa rin ang hindi tumatalima sa maximum suggested retail price (MSRP) na itinakda ng ahensya noong nakaraang buwan.

Base kay DA spokesperson Arnel de Mesa, nais ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na i-display ng retailers ang mga farm na nagsu-supply sa kanila ng karne, bukod sa sertipikasyon mula sa National Meat Inspection Service (NMIS) na nakikita ng consumers, upang matukoy kung aling suppliers ang nagbebenta pa rin sa mataas na halaga.

Kasunod ito ng pahayag ni De Mesa na 39% lamang ang pagtalima sa MSRP, na tumaas na mula nang ipatupad ito noong March 10: P300 kada kilo para sa sariwang carcass o “sabit ulo,” P350 kada kilo para sa kasim at pigue, at P380 kada kilo para sa liempo.

Batay sa price monitoring efforts ng DA, sinabi ni de Mesa na ilang retailers ang nagbebenta pa rin sa halagang mas mataas sa MSRP.

“[The Secretary said that he] was very disappointed with what happened coming from the agreements among the stakeholders and with the department,” giit ni De Mesa nitong Miyerkules. RNT/SA