Home NATIONWIDE DSWD naghanda ng 1.9M food packs sa buong bansa sa pagdating ng...

DSWD naghanda ng 1.9M food packs sa buong bansa sa pagdating ng Bagyong Uwan

299
0

MANILA, Philippines – Naghanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga family food pack (FFPs) sa buong bansan bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong Uwan.

Sa news forum nitong Sabado, Nobyembre 8, sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao na mahigit 1.9 milyong FFP ang nakahanda para sa agarang pangangailangan sa mga warehouse nito sa buong bansa.

“At sa bilang po na iyan meron tayong mahigit 300,000 family food packs sa aming mga warehouses in Region III —40,000 of which are located in Aurora province,” ani Dumlao.

“Sa Region II naman po mahigit 148,000 family food packs ang naka preposition. Meron kami sa Nueva Vizcaya more than 11,000 FFPs… sa Quirino more than 8,000, sa Isabela more than 46,000 ang naka preposition, and sa Cagayan more than 66,000,” dagdag pa niya.

Sinabi ng opisyal na mayroong mahigit 68,000 FFPs ang nakaposisyon sa Cordillera Administrative Region.

“Sa Region I, close to 100,000 ang naka preposition sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan,” sinabi ni Dumlao.

Aniya, ang FFPs ay nasa ground na at “it’s just a matter of accessing this or dispatching it to the local government units na magre-request for augmentation from the DSWD.”

Idinagdag pa na ang Quick Response Teams (QRT) ng ahensya mula sa iba’t ibang field offices (FO) ay naka-red alert na para magbigay ng augmentation support sa mga lokal na pamahalaan.

Bilang bahagi ng proactive measures, sinabi rin ni Dumlao na nagpadala ang DSWD ng mobile command centers, kitchens, at water filtration trucks upang masiguro ang walang patid na paghahatid ng humanitarian assistance.

Bukod sa sustained relief supplies, mahigit 400 portable water filtration kits din ang ipinamahagi sa mga komunidad na naunang naapektuhan ng Bagyong Tino upang masiguro ang ligtas at malinis na inuming tubig.

Humiling na ang ahensya ng P625-million pondo mula sa Department of Budget and Management para sa Quick Response Fund (QRF).

“Request namin is to sustain the ongoing disaster response operations for Tino-affected areas and also in preparation for Typhoon Uwan,” sinabi ni Dumlao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here