Home NATIONWIDE DSWD naghanda ng 87.7K relief items para sa mga biktima ni ‘Kristine’

DSWD naghanda ng 87.7K relief items para sa mga biktima ni ‘Kristine’

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Cordillera na may stockpile na itong 87,705 food at non-food relief items sa pagtama ni Tropical Storm Kristine sa northern region ng bansa.

Sa ulat, sinabi ng DSWD-Cordillera na mayroon na silang stockpile na 62,313 family food packs kabilang na ang 7,470 sa Abra; 2,798 sa Apayao; 1,184 sa Mountain Province; 6,435 sa Kalinga; 1,591 sa Ifugao; at 25,015 sa Benguet.

Tinatayang 17,820 family food packs ang nakahanda sa DSWD- accredited warehouses na pinangangasiwaan ng local government units sa iba’t ibang rehiyon.

Sinabi pa ng departamento na may 25,392 non-food items ang nakatakdang ipamahagi maliban pa sa standby quick response fund na P2.9 milyon.

Ipinag-utos din nito ang inventory at monitoring ng evacuation centers para matiyak ang availability ng mga lugar sakaling magkaroon ng pre-emptive evacuation.

Nauna rito, inilagay ng Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang rehiyon sa red alert at ini-adopt ang “highest level of emergency preparedness at response protocols” para matiyak ang “maximum, timely, at responsive monitoring, warning, coordination, at interoperability ng preparedness at response” para sa epekto ni Kristine.

Ayon sa weather bureau, inaasahan na kikilos si Kristine patungong northwestward at dadaan sa rehiyon, araw ng Miyerkules o Huwebes.

Tinukoy naman ng Mines and Geosciences Bureau bilang hazard areas ang 30 villages sa Abra, 123 sa Apayao, 256 sa Benguet, 116 sa Ifugao, 91 sa Kalinga, at 92 sa Mountain Province.

Samantala, ipinag-utos ng city government ng Baguio ang suspensyon ng garbage collection at pinayuhan ang mga residente na huwag ilabas ang kanilang mga basura simula araw ng Huwebes para mapigilan ang pagbabara ng drainage. Kris Jose