Ito ang nakasaad sa post ng isang nagngangalang Wilfredo Garrido, isang author ng fiction at trade books tungkol sa photography.
Ibinase ni Wilfredo ang paghahanapbuhay ng nobya ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo sa bansa.
Hinahanapan si Chloe San Jose ng working visa dahil bilang turista lang ang visa na inaplayan niya.
March 21, 2002 nang isilang si Chloe sa Pilipinas.
Ganap siyang naging Australian citizen noong February 2020.
Ang aniya’y pakay raw ni Chloe sa pananatili sa bansa ay para suportahan si Carlos.
Pero giit ni Garrido, nakakadalawang guesting na raw ang internet personality sa programang ASAP.
Tiyak na may tinanggap daw itong talent fee para sa kanyang guesting.
Ganoon din daw ang pag-eendorso ng isang beauty product ni Chloe.
Tiyak ding kumita siya roon, kaya malinaw na hindi siya turista kundi naghahanapbuhay sa bansa.
Idinagdag din ni Garrido na ang behavior o asal ni Chloe ay hindi nagustuhan ng maraming Pilipino.
Kabilang dito’y ang pakikipagsagutan nito sa ina ng kanyang nobyo na si Angelica.
Hinihiling ni Garrido na dahil sa kakulangan ng mga dokumento allowing Chloe to earn a living here ay i-deport ito sa Australia.
Bukas ang Remate Online sa panig ni Chloe San Jose na balitang nakikipag-live in na raw kasama si Carlos sa condo unit na ipinagkaloob sa kanya. Ronnie Carrasco III