Home NATIONWIDE DQ case vs Quiboloy reresolbahin ng Comelec sa sunod na linggo

DQ case vs Quiboloy reresolbahin ng Comelec sa sunod na linggo

121
0

MANILA, Philippines- Reresolbahin ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang isinampang disqualification case ng Workers Peasant Party laban kay senatorial candidate Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang tiniyak ni Comelec Chairman George Garcia matapos matanggap ang petisyon ng WPP at withdrawal ng Certificate of Nomination and Acceptance ni Quiboloy kung kaya’t kailangan nila itong resolbahin.

Ayon sa Comelec, posibleng maglabas ng desisyon sa susunod na linggo.

Reresolbahin na rin ng Comelec ang gulong nangyayari sa loob ng Workers Peasant Party dahil sa dalawang paksyon nito.

Subalit, ito ay maaaring abutin pa ng ilang buwan bago makapaglabas ng desisyon kung sino ang kikilalanin nilang lehetimong miyembro ng nasabing partido. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here