Home HOME BANNER STORY Signal No. 2 pinairal sa Catanduanes sa pagbayo ni TS Kristine

Signal No. 2 pinairal sa Catanduanes sa pagbayo ni TS Kristine

MANILA, Philippines- Itinaas ang Signal number 2 sa Catanduanes nitong Martes sa pananatili ng lakas ni tropical storm Kristine, ayon sa PAGASA sa 11 a.m. bulletin nito.

Sa ilalim ng Signal No. 2, inaasahan ang hanging may bilis na mahigit 62 km/h at hanggang 88 km/h sa loob ng hindi bababa sa 24 oras.

Itinaas naman ng PAGASA ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon

  • Ilocos Norte

  • Ilocos Sur

  • La Union

  • Pangasinan

  • Apayao

  • Kalinga

  • Abra

  • Mountain Province

  • Ifugao

  • Benguet

  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands

  • Isabela

  • Quirino

  • Nueva Vizcaya

  • Aurora

  • Nueva Ecija

  • Tarlac

  • Zambales

  • Bataan

  • Pampanga

  • Bulacan

  • Metro Manila

  • Cavite

  • Laguna

  • Batangas

  • Rizal

  • Quezon saklaw ang Pollilo Islands

  • Masbate kasama ang Ticao Island

  • Burias Island

  • Marinduque

  • Romblon

  • Camarines Norte

  • Camarines Sur

  • Albay

  • Sorsogon

Visayas

  • Eastern Samar

  • Northern Samar

  • Samar

  • Leyte

  • Biliran

  • Southern Leyte

Mindanao

  • Dinagat Islands at Surigao del Norte kasama ang Siargao – Bucas Grande Group

Babala ng PAGASA, ang pinakamataas na wind signal na maaaring itaas sa pananalasa ni TS Kristine ay Wind Signal No. 3.

Batay sa datos, ang sentro ng mata ni Kristine ay 335 km east ng Virac, Catanduanes (13.7 °N, 127.3 °E ).

Kumikilos sa direksyong west northwestward sa bilis na 10 kph, si TS Kristine ay may maximum sustained winds na 65 km/h malapit sa sentro at gustiness hanggang 80 km/h. RNT/SA