Home NATIONWIDE DSWD naghanda ng P142M ayuda sa maaapektuhan ng shear line sa Eastern...

DSWD naghanda ng P142M ayuda sa maaapektuhan ng shear line sa Eastern Visayas

248
0

MANILA, Philippines — Naghanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Eastern Visayas ng mahigit P142 milyong halaga ng relief assistance para sa mga posibleng maapektuhan ng tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng shear line.

Ayon sa ahensya, nananatiling naka–heightened alert ang DSWD regional office at handang tumugon sa anumang posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa rehiyon.

Bahagi ng mga nakaantabay na tulong ang 164,832 family food packs, 11,973 ready-to-eat food packs, at 18,543 non-food items na nakaposisyon na sa iba’t ibang lugar.

Mayroon ding P590,000 standby fund na inilaan ang ahensya para sa agarang pagtugon sa mga emerhensiya.

Ayon sa DSWD, bahagi ito ng kanilang paghahanda upang masiguro ang maagap at maayos na pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang maaapektuhan ng masamang panahon.

Patuloy din ang koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis at organisadong paghahatid ng relief goods sa mga komunidad na posibleng tamaan ng pagbaha at landslide.

Pinayuhan naman ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga kinauukulan upang masigurong ligtas ang lahat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here