MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian sa Disaster Response Management Group ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpadala ng mas maraming food packs sa Negros Island para sa inaasahang pagputok ng Bulkang Kanlaon, huling sumabog noong nakaraang Disyembre at nananatiling nasa Alert Level 3.
Sinabi ng DSWD na tiniyak ni Gatchalian sa field offices ng departamento sa Central at Western Visayas regions na ang karagdagang food packs ay darating sa Linggo, Enero 19.
“We will fill our provincial warehouses on the island to the brim,” ang winika ni Gatchalian.
Aniya pa, kailangang tiyakin ng DSWD na maihahatid ang 40,000 food packs sa Negros Oriental at panibagong 40,000 sa Negros Occidental sa araw ng Lunes, Enero 20.
Ang food packs ay para sa mga pamilya na na-displace ng kalamidad gaya ng pagsabog ng bulkan, lindol at pagbaha.
“Check the maximum capacity for both sides of Kanlaon. I want maximum capacity the warehouses of Negros Oriental and Occidental. So we have to be ready,” ayon sa Kalihim. Kris Jose