MANILA, Philippines- Tinatayang umabot na sa mahigit 890,000 food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa cyclone victims sa iba’t ibang panig ng bansa kasunod ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine at Super Typhoon Leon noong nakaraang linggo.
Sa katunayan, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na mahigit sa 890,000 food packs ang inilaan sa mga apektadong local government units (LGUs).
“More than 1.3 million-worth of food packs were prepositioned for the victims,” ang sinabi ni Dumlao.
“Nagpapatuloy tayo na nagpapahatid ng food packs sa mga naapetukhan ni Bagyong Kristine at naapektuhan ni Bagyong Leon,” ang winika pa ng opisyal sa Bagong Pilipinas Ngayon.
May ilang pamilya sa lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Antique, Iloilo, Negros provinces, Biliran, Northern at Western Samar, Zamboanga, North Cotabato, Dinagat Island at Mountain Province ang nananatili sa mga evacuation centers.
“As we speak, mayroong mahigit na 5,000 food packs ang en route to Batanes via Philippine Coast Guard vessel. Inaasahan natin na dadating either tonight or early morning tomorrow,” ayon kay Dumlao.
“Hinahanda na ang karagdagang food packs, around 7,000 na ililipad via C130. May manggagaling sa Villamor at sa Tugegarao,” patulopy niya.
Maliban sa food packs, namahagi rin ang DSWD ng funeral at psychological assistance sa cyclone victims.
Makikita naman sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 150 indibidwal ang nasawi dahil sa epekto ni Kristine at Leon. May 30 katao ang napaulat na nawawala habang 122 iba pa ang napaulat na sugatan.
Naapektuhan naman ni Kristine at Leon ang 2,028,282 pamilya (7,953,766) sa 17 rehiyon. May kabuuang 743,576 displaced individuals ang nasa 1,980 evacuation venters.
Lumabas na si Kristine sa Philippine Area of Responsibility noong Oktubre 25, habang lumabas naman si Leon sa PAR noong Nobyembre 1. Kris Jose