Home NATIONWIDE DSWD nangako ng legal, protective action vs opisyal ng barangay sa CamSur...

DSWD nangako ng legal, protective action vs opisyal ng barangay sa CamSur sa pang-aabuso

109
0

MANILA, Philippines — Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng legal at protective action laban sa isang barangay official sa Camarines Sur na sangkot umano sa pang-aabuso sa mga bata sa isang shelter.

Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, agad na nagpadala ang ahensya ng mga social worker upang magbigay ng psychosocial assistance sa mga biktima.

Umani ng aksyon ang DSWD matapos makatanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng liham mula sa isang 11-anyos na bata mula Barangay Caloco, Tinambac, na nagsiwalat ng umano’y sexual abuse na kinasasangkutan ng barangay councilor at dalawa nitong anak.

Personal ding nakipagpulong si Gatchalian sa bata sa DSWD Central Office upang tiyakin ang kanyang kaligtasan at kapakanan.

Bukod sa alegasyon ng sexual abuse, iniulat din umano ng mga bata ang iba pang pangha-harass tulad ng pagputol ng kuryente at suplay ng tubig sa shelter.

Upang mapanagot ang mga sangkot, nakipag-ugnayan na ang DSWD sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para imbestigahan ang mga barangay official.

Ayon sa kalihim, isa sa mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Tinangis Penal Farm, habang ang isa pa ay nahaharap sa kaso ngunit nananatiling at large.

Sa halip na ipasara ang shelter, sinabi ni Gatchalian na tutulungan ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng financial at technical assistance upang maipagpatuloy ang serbisyo sa mga bata.

“Ang pinakamahalaga ay ang kapakanan ng mga bata,” diin ng kalihim. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here