Home METRO 79 arestado sa illegal cockfighting sa Cebu

79 arestado sa illegal cockfighting sa Cebu

129
0

MANILA, Philippines — Aabot sa 79 katao ang inaresto sa iba’t ibang bahagi ng Cebu matapos mahuli sa ilegal na sabong noong Huwebes Santo at Biyernes Santo ayon sa pulisya.

Sa ulat ng Cebu police, nagsagawa ng 22 anti-illegal gambling operations sa loob ng dalawang araw, kung saan nakumpiska rin ang P19,450 na cash.

Sa Cebu City, 12 indibidwal ang naaresto sa Sitio Kasagingan, Barangay Guadalupe bandang alas-1 ng hapon noong Huwebes Santo.

Rumesponde ang pulisya matapos makatanggap ng ulat na may nagaganap na sabong na nilalahukan ng humigit-kumulang 50 katao.

Habang nakatakas ang ilan, naaresto ang 12 na suspek na ngayon ay nakapiit.

Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang batas laban sa illegal gambling. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here