Home NATIONWIDE DTI acting secretary itinalaga ni PBBM

DTI acting secretary itinalaga ni PBBM

213
0

MANILA, Phiippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer – Roque bilang Acting Secretary ng Department of Trade and Industry (DTI), kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Secretary Alfredo Pascual, epektibo ngayong araw, Agosto 2, 2024.

Si Undersecretary Roque ay naging kasangkapan para dalhin ang MSME Development Group sa loob ng DTI, nagsagawa ng iba’t ibang programa at Inisyatiba na nakatuon sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

PInangasiwaan din niya ang mga mahahalagang aspeto kabilang na ang Bureau of Small and Medium Enterprise Development, Bureau of Marketing Development and Promotions, OTOP Program Management Office, at ang Comprehensive Agrarian Reform Program Management Office.

Idagdag pa rito ang ginawa niyang pangangasiwa sa operasyon ng Small Business Corporation and the Cooperative Development Authority.

Tangan naman ni Undersecretary Roque ang B.S. in Industrial Management Engineering, minor in Chemical Engineering, mula sa De La Salle University.

Nagtapos naman siya ng kanyang secondary education sa De La Salle Santiago Zobel sa Alabang at ang kanyang primary education sa Colegio de San Agustin – Makati at De La Salle Santiago Zobel.

Sa kabilang dako, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng Department of Trade and Industry at ang pangangailangan ng isang may kakayanang liderato.

Ang DTI ay may mahalagang papel sa paglago ng ekonomiya ng bansa partikular na ang pagsuporta sa MSMEs.

Sinabi ng Pangulo na ang dedikasyon at liderato ni Roque sa MSME sector ang dahilan kung bakit siya ang ‘excellent choice’ para sa posisyon.

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Pascual para sa kanyang serbisyo at kontribusyon sa departamento, looking forward naman ang Pangulo sa maayos na transisyon sa ilalim ng liderato ni Acting Secretary Roque. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here