Home NATIONWIDE Pinakamalaking service caravan ng Bagong Pilipinas Sebisyo Fair isinagawa sa Eastern Visayas,...

Pinakamalaking service caravan ng Bagong Pilipinas Sebisyo Fair isinagawa sa Eastern Visayas, 241 kongresista dumalo

TACLOBAN CITY– Kasabay ng unang anibersaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na programa ni Pangulong Bongbong Marcos, nasa P1.26 Billion halaga ng government services at financial aid ipinamahagi ng gobyerno sa Eastern Visayas paravsa 253,000 beneficiaries.

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng region wise Serbisyo Fair, ang pamamahagi ng serbisyo ay magkakasunud na isinagawa sa Leyte Sports Development Center Grandstand sa Tacloban City, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Southern Leyte at Biliran.

“Sobrang proud na proud kami sa programang ito ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. dahil napakarami nating naabot na kababayan natin sa malalayong probinsya. Ito naman talaga ang esensya ng Bagong Pilipinas campaign ng ating Pangulo, ang ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao,” pahayag ni Romualdez.

“ Dadalhin natin ang mega Serbisyo Fair na ito sa buong bansa. Bibisitahin natin ang lahat ng probinsiya’t mga malalaking siyudad at ilalapit natin ang tulong sa taumbayan,” giit pa nito.

Ang service caravan ay dinaluhan ng
241 kongresista, 12 governors, 3 vice governors, 9 na mayors at 16 na opisyal mula sa from the Executive Department.

“So this really is a BPSF for Eastern Visayas. Para na rin itong Thanksgiving celebrations natin kasi naka-isang taon tayong naghahatid ng direktang serbisyo at ayuda para sa ating mga kababayan sa malalayong lugar. Tunay na pinagpala ng Diyos ang ating BPSF dahil sa tagumpay nito,” pahayag pa ni Romualdez.

“At dalangin natin ay mapuntahan ng BPSF ang lahat ng 82 na lalawigan ng Pilipinas, para lahat ay nakaranas kung paano inilapit ng administrasyon ni PBBM ang serbisyo publiko sa lahat ng tao,” giit pa nito.

Sinabi ni House Deputy Secretary-General Sofonias Gabonada na nasa 56 national government agencies ang nagpartisipa sa region-wide service caravan at 328 serbisyo ang inalok.para 253,000 beneficiaries sa lahat ng lalawigan sa Eastern Visayas.

Simani ni Gabonada na ang Department/l of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ay patuloy na mamahagi ng cash aid payouts sa buong Region VIII kung saan nasa 140,000 individuals ang mabibigyang tulong.

Maliban sa cash assistance, pamamahagi ng bigas ay namahagi din ng scholarship programs ang Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“Thank you to everyone who has made the Bagong Pilipinas Serbisyo Fair a success. Your dedication and hard work are the driving force behind this initiative. Together, we will continue to build a brighter future for all Filipinos,” saad ni Romualdez sa kanyang talumpati.

SUPERMAJORITY HOUSE MEMBERS NAKIISA

Sa kabila ng magkakaibang partido, nagpakita ng kanilang suporta ang mga mambabatas sa BPSF

“Pwede nang magsession sa dami ng kongresistang sumama.” ani Romualdez sa 241 kongresista na dumalo sa service caravan.

Dumalo din si Sen Bong Revilla Jr.

“Tayo po ay sobrang natutuwa at napakaraming mambabatas ang dumalo sa ating mega Serbisyo Fair sa Eastern Visayas. Mayorya o minorya, hindi inalintana ang pagkakaiba para masaksihan kung paano ginagamit ng pamahalaan ang pondong ating inilaan para sa mamamayan,” ani Romualdez.

Idinagdag pa.ni Romualdez na ito ang kauna unahang pagkakataon sa kasaysayan na dumalo ang pinakamaraning mambabatas para sa isang caravan.

“This is a first in our history, hundreds of government officials including the people’s representatives gathering in one place to see first-hand how the program of our President directly benefits the people”pagtatapos pa ni Romualdez.