Home NATIONWIDE Sirit-inflation inaasahan ng DOF

Sirit-inflation inaasahan ng DOF

106
0

SINABI ni Finance Secretary Ralph G. Recto na inaasahan na niya ang mabilis na pagkilos ng inflation rate nitong nakaraang buwan ng Hulyo, habang ang epekto ng bagyong Carina sa mga presyo ng mga bilihin ay mararamdaman sa mga susunod na buwan.

“I think, coming from a low base, the inflation will be higher, but still within target for the entire year of two to four percent,” ayon kay Recto.

Kamakalawa lamang ay sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inaasahan na nito na ang inflation para sa Hulyo 2024 ay maglalaro sa pagitan ng 4.0 hanggang 4.8%.

Ang mas mataas na singil sa kuryente kasama ang pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural tulad ng gulay, karne, at prutas, pati na rin ang mas mataas na presyo ng langis sa loob ng bansa, ang pangunahing mga pinagmumulan ng pagtaas ng presyo para sa buwan.

Ang mga dahilang ito ay inaasahang mababawasan ng mas mababang presyo ng bigas at prutas, pati na rin ang pag-appreciate ng piso.

Gayunman sinabi ni Recto na habang ang mas mataas na inflation ay maaaring mangyari, mababalanse naman ito ng mas mababang presyo ng bigas na resulta ng naging pagtapyas sa taripa, bumabang presyo ng prutas at peso appreciation.

Sa susunod na mga buwan, patuloy na susubaybayan ng BSP ang development growth na nakakaapekto sa pananaw para sa inflation at paglago alinsunod sa kanilang data-dependent na pamamaraan sa pagbuo ng patakaran sa pananalapi.

Samantala, nagpahiwatig naman na si BSP Governor Eli Remolona ng posibleng rate cut ngayong buwan ng Agosto.

Ang next monetary policy-setting meeting nito ay sa Agosto 25

Samantala, sinabi pa rin ni Recto na ang gross domestic product (GDP) para sa second quarter ay mas magiging mabilis kumpara sa nakalipas na quarter sa likod ng mas mataas na ‘consumption at government spending, at mas mas mababang inflation.’

Sa panahon ng first quarter, lumago ang ekonomiya ng 5.7%, mas mataas kumpara sa 5.5% clip na nakita sa fourth quarter ng 2023, subalit mas mababa kaysa sa 6.4% na paglago na nakita sa first quarter ng nakalipas na taon.

Samantala, sinabi naman ng mga analyst mula sa Metrobank subsidiary First Metro Investment Corp. (FMIC) at research partner nito na University of Asia and the Pacific (UA&P) na ang second quarter GDP ay inaasahan na lalago ng 5.9%.

Nagtakda naman ang gobyerno ng GDP growth target na 6% hanggang 7% para sa ngayong taon ng 2024. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here