Home NATIONWIDE DTI magpapalabas ng bagong SRP guide sa 62 bilihin

DTI magpapalabas ng bagong SRP guide sa 62 bilihin

MANILA, Philippines- Magpapalabas ng bagong suggested retail price guide ngayong linggo kasunod ng dagdag-presyo ng mahigit 60 shelf-keeping units (SKUs), o mga ibinebentang item.

Sinabi ng Department of Trade and Industry na nakatakdang ipalabas ang bagong listahan na naglalayong gabayan ang mga mamimili sa Huwebes. Makikita rito ang dagdag-presyo ng 62 items kabilang ang ilang brand ng sardinas, canned meat, evaporated milk, Pinoy tasty at Pinoy pandesal. Nakaamba ring tumaas ang presyo ng kandila at baterya.

“Two percent to nine percent, ganun yung range. Effective na ‘yun as far as the manufacturers are concerned, puede na sila magtaas. Sa consumer makikita nila pagtaas in the next few weeks in actual,” pahayag ni  DTI Assistant Secretary Agaton Uvero.

“Pag ni-review naman kasi mga raw material costs, grabe tinaas ng mga raw materials, lalo yung may mga imported components, grabe tinaas. Sixty-two SKUs lang ito out of thousands of items, hindi naman ito karamihan,” dagdag niya. RNT/SA