Home HOME BANNER STORY DTI naalarma sa marijuana-flavored vapes

DTI naalarma sa marijuana-flavored vapes

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Trade and Industry na titingnan nito ang mga ulat na ang mga marijuana-laced electronic cigarette o vapes ay dumarami na ngayon sa merkado.

Ito, matapos ibunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagtaas ng presensya ng vaping products na may marijuana oil na natuklasan sa anti-illegal drugs operations.

“Nakakabahala ‘yung balitang ‘yan kasi ‘yung vape ay hindi pwede sa menor de edad. Tinatanggal na sa merkado, haluan mo pa ng iligal na droga,” ani Assistant Secretary Amanda Nograles of the DTI Consumer Protection Group.

“Bago lang ‘yung impormasyon, na yan, kukuha pa kami ng additional information pero patuloy pa rin ang DTI sa pagkalap ng mga vape na may flavor descriptor tsaka yung appealing to minor na cartoons o paggamit ng influencers.”

Sinabi ng DTI na hindi pa sila nakaka-encounter o nakakakumpiska ng mga vape na may marijuana oil.

Noong nakaraang Huwebes, nasamsam ng mga operatiba ng PDEA ang cannabis oil at marijuana kush, at iba’t ibang vaping device, na tinatayang kabuuang halaga na P842,000 sa sabay-sabay na pagsalakay sa Taguig City.

Naharang din ng PDEA at Bureau of Customs ang 18 balikbayan box na naglalaman ng cannabis oil at marijuana kush na nakatago sa loob ng e-cigarettes na nagkakahalaga ng P337 milyon sa Port Area, Manila noong nakaraang linggo.

Binalaan ng ahensya ang publiko na huwag tumangkilik sa mga marijuana-laced e-cigarettes “dahil sa mga panganib sa kalusugan na kasangkot, at higit sa lahat ay tahasang ipinagbabawal ito ng batas.” Santi Celario

Previous articleFDA nagbabala: Isang cancer treatment solution kontaminado, ‘wag gamitin!
Next articleSuspensyon sa KWF chair binawi ng CA