Home NATIONWIDE DTI, PDEA sanib-pwersa vs vape na may droga

DTI, PDEA sanib-pwersa vs vape na may droga

MANILA, Philippines – Magtutulungan ang ilang ahensya ng gobyerno upang mailayo ang publiko sa masamang epekto dulot ng illegal na droga sa pamamagitan ng vape.

Ito ay matapos makipagtulongan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para labanan ang pagbebentabng vape products na nilagyan ng illegal na droga.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ng DTI na Ang ahensya ay lumagda ng memorandum of understanding noong Aug. 8.

“This agreement leverages the combined resources and expertise of the DTI and the PDEA to ensure product safety and protect the public from the infiltration of illegal drugs, including marijuana-infused vapes,” sinabi ni Trade Assistant Secretary Agaton Teodoro Uvero. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)