MANILA, Philippines- Itinalaga si Lt. Gen. Michael John Dubria bilang concurrent officer-in-charge ng Office of the Deputy Chief for Administration (OTDCA), ang ikalawang pinakamataas na pwesto sa Philippine National Police (PNP).
Umiral ang pagkakatalaga kay Dubria nitong Huwebes, base sa utos ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na isinapubliko nitong Biyernes.
Humalili si Dubria kay Lt. Gen. Emmanuel Peralta, na umabot na sa mandatory retirement age na 56 noong Agosto 24.
Mananatili naman si Dubria na PNP No. 3 o ang Deputy Chief for Operations (DCO).
“This is additional duty, acting deputy chief for administration, so that the functions of DCA will not be hampered. There are documents that need to reach the office of the Chief PNP, so he (Dubria) is concurrent DCO and DCA,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press briefing sa Camp Crame sa Quezon City nitong Biyernes. RNT/SA