Home METRO Dump truck na ninakaw, ibinenta ng utility helper ng LGU sa Bulacan

Dump truck na ninakaw, ibinenta ng utility helper ng LGU sa Bulacan

266
0

MARILAO, Bulacan – Pinaghahahanap ng mga awtoridad ang isang utility helper ng Local Government Unit ng Marilao, Bulacan (LGU) at tatlo pang ibang kasama nito, matapos nilang nakawin at ibenta ang isang dump truck ng gobyerno. 

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dinala ng mga suspek ang truck sa isang palengke sa Guiguinto, Bulacan, inilipat ito sa mas malaking truck at kinabukasan ay nakita na dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ang mga suspek ay isang utility helper ng Municipal Engineering Office, ang kanyang asawa at pinsan, at isang tao pa.

Ayon sa ulat, ipinagbili ng mga suspek ang trak sa halagang P100,000 sa isang mamimili mula sa San Mateo, Rizal, na muling ipinagbili ang trak sa halagang P400,000 matapos umanong gumawa ng pekeng dokumento.

Sa pamamagitan ng CCTV footage, natagpuan ng mga awtoridad ang ninakaw na trak sa ikalawang nakabili nito pagkatapos ng dalawang linggo.

Nahaharap ang apat na suspek sa mga kasong carnapping. Samantala, ang mga awtoridad ay nagsusuri ng posibilidad na magsampa ng kaso laban sa mga bumili nito dahil sa paglabag sa Anti-Fencing Law. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here