MANILA, Philippines – Sinabi ni Davao City First District Representative Paolo Duterte na mismong ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kumontra sa planong ibenta ang kanilang bahay sa Doña Luisa Village, Davao City, na naunang nakitang may nakalagay na “for sale” sign noong weekend.
Sa text message, sinabi ng partner ni Duterte na si Honeylet Avanceña, masakit sa kanya na pumasok mag-isa sa bahay na ang kasama ay tanging ang apat na house helper.
Ito ay makaraang dalhin ang dating Pangulo sa International Criminal Court sa The Hague.
Kalaunan ay nawala ang “For Sale” na tarpaulin sa gate ng bahay ni Duterte.
Ani Rep. Duterte na bumisita sa ama sa ICC Detention Center, sinabi umano nito na may malalim na sentimental value ang bahay bilang kanilang kauna-unahang bahay na nabili gamit ang sariling pera kaya hindi ito pumayag na ibenta lamang ito.
Nilinaw din niya na ang bahay na tinatanong ay iba sa pagmamay-ari ni Honeylet Avanceña, ang longtime partner ni Duterte. RNT/JGC