MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na itinambak ang durog na corals malapit sa Escoda o Sabina Shoal, kapareho ng mga nakita sa Sandy Cay, na ayon sa isang Filipino marine biologist ay indikasyon ng island-building activities sa West Philippine Sea.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng paninisi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela sa China dahil sa “degradation” ng Sandy Cay.
Ani Tarriela, naglunsad na ang PCG ng rigid hull inflatable boats (RHIBs) para inspeksyunin ang low tide elevation (LTE) “for any dumped crushed corals.”
“After more than three weeks of monitoring, the PCG has discovered that the physical characteristics of the LTE surrounding Escoda/Sabina Shoal are similar to those of the sandy cays,” pahayag ni Tarriela.
“It has been observed that crushed corals were dumped and it is highly likely that the maritime features were altered,” dagdag pa niya.
Ang deployment ng RHIBs, ani Tarriela, ay “standard operating procedure” ngayon dahil sa resulta ng scientific research ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP), na pinangunahan ni Dr. Jonathan Anticamara.
Sa news forum noong nakaraang linggo, sinabi ni Anticamara at kanyang team ang “low coral and fish diversity and abundance” sa Sandy Cay.
Ang tabak na mga buhangin at durog-durog na korales sa Pag-asa Cays 1, 2, at 3 ay indikasyon na ang mga ito ay
“possibly product of island building activities that are observed in WPS.”
Nagbabala si NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na ang pagtatampak ng mga durog na corals ay ginagawa “to create a new low tide feature in the WPS” para baliktarin ang 2016 arbitral win laban sa China.
Noong Setyembre 2023, matatandaan na nakita rin ang mga patay at durog na corals sa Sandy Cay 2. RNT/JGC