Home METRO Dutch national huli sa bomb joke sa Laoag airport

Dutch national huli sa bomb joke sa Laoag airport

LAOAG CITY – Nahaharap sa kasong matapos na mag-bomb joke ang isang 70-anyos na babaeng pasaherong patungong Maynila habang sinusuri ang kanyang bagahe sa departure area ng Laoag International Airport (LIA) Miyerkules ng gabi, Enero 3.

Kinilala ni Police Captain Nelson Fantonia, team leader ng LIA’s office of transport security, ang pasahero na si Mary Evelyn Dolor Neuen, isang Dutch national at may hawak ng German passport na dumating kasama ang kanyang pamilya sa bayan ng Santa Maria sa Ilocos Sur para magbakasyon.

Sinabi ni Fantonia na biglang huminto ang screening officer sa pag-screen sa bagahe ng pasahero nang marinig niyang sinabi na “There’s a bomb.”

Pagkatapos ay inalerto ng screening officer ang Aviation Security Group bilang bahagi ng karaniwang pamamaraan.

Agad namang sinuri ng K9-OED ang gamit ng dayuhan pero negatibo ito sa bomba. RNT

Previous articleP571.5M lotto jackpot kinubra na ng nanalong gov’t employee
Next articleSenior timbog sa droga sa QC; shabu ginagamit pangpalakas