Home HOME BANNER STORY P571.5M lotto jackpot kinubra na ng nanalong gov’t employee

P571.5M lotto jackpot kinubra na ng nanalong gov’t employee

102
0

MANILA, Philippines — Kinubra na ng isang kawani ng gobyerno mula Ligao, Albay ang kalahating bilyong Ultra Lotto 6/58 jackpot sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City nitong Enero 2.

Napag-alaman na mayroong apat na anak ang babaeng government employee at pangalawang beses pa lang umano ito tumaya sa lotto, ayon kay Lauro Patiag, PCSO assistant general manager, sa isang press conference.

Maiuuwi ng bettor ang P571.5 milyon matapos mahulaan ang anim na digit na kumbinasyon 19-35-25-42-58-05.

Sinabi niya na bumili siya ng dalawang tiket sa isang lotto outlet sa kahabaan ng Rizal street at ginamit ang lucky pick system.

Plano ng bagong multimillionaire na ilagay ang bahagi ng kanyang mga napanalunan sa isang bangko at mag-donate sa charity.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, ang mga panalo sa lotto na higit sa P10,000 ay sasailalim sa 20 porsiyentong buwis at awtomatikong ibabawas sa kabuuang premyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here