Home NATIONWIDE OFW deployment balik-pre-pandemic na

OFW deployment balik-pre-pandemic na

MANILA, Philippines – Aabot sa 2.5 milyong overseas employment certificates (OECs) at pass ang inisyu ng Department of Migrant Workers noong nakaraang taon para sa mga OFWs na magkaroon ng trabaho , ayon kay DMW officer-in-charge ng Hans Leo Cacdac nitong Huwebes.

Ayon kay Cacdac, bumalik sa pre-pandemic levels at marami ang overseas employment ng mga OFWs.

Pinarangalan din ni Cacdac ang mga kontribusyon ni yumaong DMW Secretary Susan “Toots” Ople bago siya namatay noong Agosto 2023, na sinabing ginawa niyang maayos ang proseso ng pagkuha ng OEC.

“I’m proud to say, noong time ni Sec. Toots, napabilis ‘no iyong proseso. So bukod sa dami ng na-issue na Overseas Employment Certificates ay bumilis ang proseso – less than one day, nai-issue ang mga OECs and pati iyong accreditation ng mga foreign employers from a period of around 20 to 30 days naipababa ni Secretary Toots ng mga 7 to 15 days,” saad ni Cacdac sa isang public briefing. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleKelot kulong sa bomb joke sa first Friday Mass sa Quiapo
Next articleP571.5M lotto jackpot kinubra na ng nanalong gov’t employee