Home METRO Kelot kulong sa bomb joke sa first Friday Mass sa Quiapo

Kelot kulong sa bomb joke sa first Friday Mass sa Quiapo

MANILA, Philippines – Binitbit ng pulisya ang isang 40-anyos na lalaki matapos magbiro tungkol sa bomba, sa gitna ng dagsa ng mga tao ngayong First Friday Mass sa Quiapo Church.

Pasado alas 6 ng umaga umano nang magsumbong ang isang deboto sa Plaza Miranda Police Community Precinct dahil sa isang lalaki na nambubulong umano sa mga kapwa deboto na may pasasabugin na bomba.

May dala lamang bag ang lalaki na mga personal na gamit lamang ang laman.

Ayon kay PCP chief Capt.Rowell Robles, maaring maharap ang lalaki sa kasong paglabag sa Anti-Bomb Joke Law.

Samantala, sa huling tala ng Plaza Miranda PCP, nasa higit 11,000 ang crowd estimate ngayon sa Quiapo Church at inaasahang dadami pa hanggang mamaya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)