Home NATIONWIDE E-Governance Act magpapabilis ng mga proseso sa pamahalaan – solon

E-Governance Act magpapabilis ng mga proseso sa pamahalaan – solon

216
0

Malaki ang paniniwala ni Navotas City Rep. Toby Tiangco na
makakatulong ang E-Governance Act upang mapabilis ang proseso sa pamahalaan at makapagbalangkas ng istruktura para sa digital na pamamahala.

“Ayaw ng ating Pangulo na mapag-iwanan tayo sa aspetong ito, kaya binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpasa ng batas na ito,” ani Tiangco, chairman ng Information and Communication Technology (ICT) ng Kamara.

Kabilang aniya ang naturang batas sa mga nais bigyang prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging susi upang mapabuti ang pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan.

Binigyang-diin ng kongresista na ang pagpapasa ng naturang batas ang magpapabilis sa paglilipat ng gobyerno sa pagiging digital at makakapagsulong sa episyenteng pagtugon ng pamahalaan.

Ang naturang batas ay magtatatag din ng Integrated Government Network (IGN), isang sistema na magkokonekta sa websites ng gobyerno at komprehensibong pamamaraan para sa digital information.

Bukod pa rito, ang E-Governance Act ay magtataguyod din ng transparency at accountability at makakatulong sa pagsugpo ng katiwalian.

Pangungunahan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang implementasyon ng naturang batas na gagabay sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan para sa pagpapatibay ng isang teknikal na impormasyon at pamantayan na magtitiyak sa tuloy-tuloy na digital integration.
Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here