MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado nitong Lunes, Enero 27 sa ikatlo at huling pagbasa ang proposed E-Governance Act.
Ang SB 2781 ay ipinasa sa 21 affirmative votes, zero negative votes, at zero abstentions.
Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, sponsor ng panukala, layon nito na pabilisin at gawing simple ang mga proseso sa gobyerno at gawing mas transparent sa pamamagitan ng institusyonalisasyon ng isang national framework para sa unified digital government system.
Ang Department of Information and Communications Technology ang magiging pangunahing departamento para sa framework, at tutulungan ng iba pang ahensya ng pamahalaan para sa technical at informational standards.
Kukunin ang framework mula sa isang komprehensibong master plan na i-uupdate kada tatlong taon.
Tatawagin ang isang secure network na “Integrated Government Network” na itatatag at ikokonekta ang lahat ng government websites at application para sa data-sharing sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Isa ang E-Governance Act sa mga panukala na tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address.
Ang panukala ay inaprubahan sa Senado bago matapos ang 19th Congress.
Inaprubahan na rin ang counterpart measure ng panukala sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang taon. RNT/JGC