Sinuspinde ng Miami Heat si forward Jimmy Butler nang walang bayad at walang tiyak na araw kung kailan pababalikin matapos umalis sa praktis kahapon bago ang laban kontra sa Orlando Magic.
Ito ang pangatlong beses na sinuspinde ng Heat si Butler nitong mga nakaraang linggo, at ito ay matapos siyang inaasahang babalik mula sa kanyang ikalawang pagkakasuspinde noong Lunes ng gabi (Martes sa Pinas) laban sa Orlando Magic.
Sinabi ng Heat na ang pinakahuling suspensyon ay tatagal ng hindi bababa sa limang laro, na aabot sa trade deadline ng NBA sa Pebrero 6.
Plano ng Heat na palitan si Butler sa panimulang lineup kasama si Haywood Highsmith simula sa laro noong Lunes sa Orlando, sabi ng mga source, ngunit tumugon siya sa balita sa pamamagitan ng paglalakad palabas sa morning shootaround.
“Ang pagsuspinde ay dahil sa isang patuloy na pattern ng pagwawalang-bahala sa mga panuntunan ng koponan, na nakikibahagi sa pag-uugaling nakapipinsala sa koponan at sinasadyang pagpigil ng mga serbisyo,” sabi ng Miami sa pahayag nito. “Kabilang dito ang pag-walk out sa practice.”
Hindi nakapaglaro si Butler ng siyam na games sa nakaraang 12 laro ng Miami dahil sa mga naunang suspensiyon, ang una ay para sa pitong laro dahil sa pagsasagawa na itinuring ng Heat na nakapipinsala. Matapos bumalik si Butler para sa tatlong laro, sinuspinde siya ng Heat ng dalawang laro matapos niyang hindi makapasok sa flight ng team patungong Milwaukee noong nakaraang linggo.
Humiling ng trade ang beterano, at ang Heat ay nagsabi na sila ay nagtatrabaho upang makahanap ng isang deal.
“Wala kaming napag-usapan ngayon maliban sa paghahanda para sa Magic. … Naka-focus lang kami sa task na nasa kamay,” ayon kay Heat coach Erik Spoelstra bago ang laro kahapon. “Wala nang mas magandang lugar kundi ang kasalukuyang sandali.”
Nahaharap si Butler sa pagkawala ng $532,737 bawat laro sa ilalim ng pinakabagong suspensiyon.JC