Home METRO 4 sinaksak ng gigil na bisita sa birthday party sa Pangasinan

4 sinaksak ng gigil na bisita sa birthday party sa Pangasinan

178
0

MANILA, Philippines – Apat katao ang sinaksak ng isang galit na bisita sa isang birthday party sa Bayambang, Pangasinan.

Sa imbestigasyon, sinermunan umano ng isa sa mga bisita ang suspek matapos itong mag-spray ng isang litro ng soft drinks sa mga bisita.

Umuwi ang suspek ngunit bumalik din dala na ang isang patalim at sinubukang saksakin ang bisitang sumita sa kanya.

Nagpambuno ang suspek at apat iba pang bisita na sinubukang disarmahan ito.

Sa kabila ng komosyon, sinaksak ng suspek ang mga biktima.

Agad namang dinala sa ospital ang mga nasaksak.

Ayon sa suspek, pinagtulungan siya ng apat na lalaki at ang ginawa niya ay self-defense lamang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here