Home SPORTS E-sports, swimming bubusisiin sa TOPS

E-sports, swimming bubusisiin sa TOPS

TAMPOK ang sports na swimming at E-sports sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Panauhin sa programa ganap na 10:30 ng umaga at sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat sina swimming organizer Darren Evangelista at E-Sports World Federation president Arniel Gutierrez.

Tatalakayin ni Evangelista ang nakatakdang Langoy  Pilipinas swimming championship na inorganisa ng Golden Ads and Promo Events sa Hunyo 16 sa Marikina Sports Complex, habang ang nakalinyang mga torneo sa eports particular ang World Cup ngayong taon ang bibigyan kahalagahan ni Gutierrez, ang founder ng international eports federation na nakabase sa Pilipinas.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo  ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiast na makiisa sa talakayan na mapapanood via live streaming sa TOPS usapang Sports FB page, Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagong mobile apps na libreng mada-download sa inyong Android phone.