Home HOME BANNER STORY Kilos-protesta vs ‘piracy’ sa WPS kasado

Kilos-protesta vs ‘piracy’ sa WPS kasado

MANILA, Philippines- Magsasagawa ng kilos-protesta ang West Philippine Sea activistssa harap ng Chinese Embassy sa bisperas ng Araw ng Kalayaan matapos ang tinatawag nilang “Jack Sparrow” ng China Coast Guard sa Ayungin (Second Thomas) Shoal kamakailan.

“They cannot do a ‘Made in China’ Jack Sparrow act in our backyard and expect no accountability,” sabi ni Rafaela David, chief convenor of Atin Ito, nitong Miyerkules, na tumutukoy sa isang kathang-isip na karakter at pangunahing bida ng pelikulang “Pirates of the Caribbean.”

Hinimok ni David ang mga interesadong makilahok na magdala ng Philippine flags sa nasabing kaganapan sa harap ng Chinese Consular Office sa Hunyo 11, Martes, ganap na alas-10 ng umaga.

Ipinanawagan ito ni David matapos na samsamin at itinapon ng China Coast Guard (CCG) ang mga pagkain at iba pang suplay para sa mga tropa. Pinipigilan din umano ng CCG ang isang medical evacuation ng isang maysakit na sundalo mula sa BRP Sierra Madre.

Noong May 19 mission, ang CCG personnel sakay ng dalawang rigid-hull inflatable boats, na nagawang makalapit ng lima hanggang 10 metro mula sa BRP Sierra Madre, ay kunuhanan ng isa sa apat na packages na ibinaba ng military aircraft para sa tropang sundalo, ayon kay Commodore Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the West Philippine Sea.

Sinabi ni Trinidad na maaaring naghinala ang CCG na ang mga ibinabagsak na pakete ay naglalaman ng construction materials, ngunit ipinakita sa mga larawan ng militar na naglalaman lamang ito ng mga pagkain.

Binatikos muli ni David ang hakbang ng CCG, na tinawag itong “modern-day piracy.”

“Our brave frontliners deserve unwavering support, not pillaging by foreign aggressors,” sabi ni David. “This is not just an attack on our supplies; it’s an assault on our dignity as a nation.”

Ang regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre, nakasadsad ang barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal simula 1999 ay naging isa sa dahilan ng tensyon sa WPS matapos mang-harass ng CCG sa barko ng Pilipinas at PCG personnel. Jocelyn Tabangcura-Domenden