Manila, Philippines – At times, unexpected things do happen—you just have to be prepared for them.
Hindi nga malilimutan ni Andrea Brillantes ang kanyang naging karanasan while shooting her latest movie, Laya.
Sa dagat ng Oslob, Cebu, kinunan ang tila delikadong eksena.
In a recent interview, ibinahagi ni Andrea na pumutok daw ang kanyang eardrum habang kinukunan ang kanyang underwater free diving scene.
Makikita ang mga naglipanang butanding o whale sharks in their habitat in Oslob.
Aniya, she had to reach out sa mga butanding—na kung minsan daw ay nasa malalim na parte kapag may kalakihan.
For the record, hindi na bago kay Andrea ang free diving as she took lessons for this during the pandemic.
Gayunpaman, nakaramdam pa rin daw siya ng takot while executing the scenes.
“Bago rin kasi ‘yung (ear) piercing ko that time. At medyo hirap ako kasi tinahi ‘yung braids sa ulo ko.
“Basta ang daming complications pero itinuloy ko pa rin. That’s where the problem arose daw.
“Hanggang sa narinig ko na lang na pumutok ‘yung tenga ko,” aniya—na nagka-nosebleed pa aside from the pain she had to endure dahil sa pagputok ng kanyang eardrum.
Humingi raw siya ng saklolo sa kanyang ina—as in, Andrea was in a panic.
“Ang mahirap pa doon, kailangan naka-float lang ako. Kailangan wala akong goggles.”
Nasa official trailer ang challenging moment na ‘yon ng aktres.
Hindi n’yo maitatanong, Andrea’s mom, Belle, is a four-time national champion freediver and national record holder na kumakatawan sa bansa.