MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pope Leo ang mga tao nang siya ay manguna sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay sa isang Vigil Mass sa St. Peter’s Basilica na huwag maging manhid sa lawak ng mga kaguluhang nagaganap sa buong mundo kund magsikap para sa kapayapaan.
Si Pope Leo, na kilala bilang isang matapang na kritiko ng digmaan sa Iran, ay nagsabi na ang kawalan ng tiwala at takot ay nagbigay-daan upang “maputol ang ugnayan sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng digmaan, kawalan ng katarungan, at pagkakahiwalay ng mga bansa.”
Hindi binanggit ng Santo Papa ang mga partikular na labanan.
Noong nakaraang Linggo, sinabi ng Santo Papa na tinatanggihan ng Diyos ang mga panalangin ng mga pinuno na nagsisimula ng digmaan at may “mga kamay na puno ng dugo.”
Noong Martes, direkta siyang nanawagan kay Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos upang humanap ng paraan upang tapusin ang digmaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden