Home METRO P42M illegal na droga nasamsam sa 211 naaresto sa Iloilo

P42M illegal na droga nasamsam sa 211 naaresto sa Iloilo

110
0

MANILA, Philippines – Umabot sa P42.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Iloilo City Police Office (ICPO) sa isinagawang 170 anti-drug operations mula Enero 1 hanggang Marso 31 ngayong taon.

Sa parehong operasyon, 211 suspek ang naaresto, kabilang ang 63 high-value targets at 146 street-level pushers.

Ayon sa ICPO, nasa 6.2 kilo ng shabu at kaunting marijuana ang nakumpiska, na nagdulot ng malaking dagok sa lokal na drug syndicates.

Pinangunahan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang operasyon, kung saan nasabat ang mahigit 3.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P24 milyon at naaresto ang 43 katao.

Sumunod naman ang Iloilo City Police Station 2 (ICPS2) na nakasamsam ng P8.89 milyong halaga ng shabu, habang nag-ambag din ang Police Stations 4 at 9 sa pagkakumpiska ng milyun-milyong pisong halaga ng droga.

Sa hiwalay na kampanya laban sa mga wanted na indibidwal, 97 katao ang naaresto sa 104 operasyon, kabilang ang 15 Most Wanted Persons.

Pinakamataas ang naitalang huli ng Iloilo City Mobile Force Company na may 16 na aresto.

Pinuri ni ICPO officer-in-charge Police Colonel Wilbert Parilla ang mga operatiba at ang kooperasyon ng publiko sa tagumpay ng mga operasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here