MANILA, Philippines- Makaaapekto ang easterlies at ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa weather conditions ng bansa sa susunod na 24 hours, ayon sa PAGASA nitong Sabado.
Inaasahan sa Mindanao at Eastern Visayas ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.
Nagbabadya ang parehong weather conditions sa Batanes at Cagayan dahil sa easterlies, na magdadala rin ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” sa natitirang bahagi ng bansa.
Makararanas ang Extreme Northern Luzon ng moderate to strong winds at moderate to rough coastal waters. Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate winds at slight to moderate coastal waters.
Sumikat ang araw sa Metro Manila ng alas-5:27 ng umaga at lulubog ng alas-6:26 ng hapon. RNT/SA