Home NATIONWIDE Easterlies magdadala ng maulap ng kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan sa bansa

Easterlies magdadala ng maulap ng kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan sa bansa

MANILA, Philippines – Ang easterlies ay magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Bicol Region, Romblon, Palawan, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies na may posibleng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms na may flash floods o landslides na posibleng mangyari sa panahon ng matinding thunderstorm.

Ang pagtataya ng bilis ng hangin para sa Mindanao ay mahina hanggang sa katamtaman na kumikilos sa timog-silangan hanggang silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa direksyong silangan hanggang timog-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw bandang 5:29 a.m., habang lulubog ito ng 6:28 p.m. RNT