MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa.
Dahil dito ay inaasahang magdadala ito ng maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm ngayong Huwebes, Mayo 23.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa nasabing weather system.
Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha o landslide sa serye ng severe thunderstorms. RNT/JGC