Home HOME BANNER STORY Easterlies magdadala ng ulan, maulap na panahon

Easterlies magdadala ng ulan, maulap na panahon

150
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas ang ilang bahagi ng bansa ng maulap na kalangitan at panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms ngayong Lunes dahil sa easterlies o mainit na hanging mula sa silangan.

Sinabi ng PAGASA na walang binabantayang low pressure area (LPA) na maaaring maging bagyo sa ngayon.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan, lalo na sa hapon o gabi.

Nagbabala rin ang PAGASA na maaaring magdulot ng flash floods o landslides ang malalakas na thunderstorms.

Samantala, mararanasan ang mahinang hanggang katamtamang hangin at alon sa Southern Luzon, Visayas, Mindanao, at iba pang bahagi ng Luzon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here